INTRODUKSYON SA PAGBASA
Pagbasa - ito ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga
sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa
wika ng aktor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbulo.
-
Ang pagbasa ay pagkilala at
pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag. Isa ito sa mga
makrong kasanayang pangwika at isa sa mga pinakagamitin sa lahat.
-
Ito ay proseso ng pag-unawa sa
mensaheng nais iparating ng may-akda sa mambabasa. Dahil sa Knowledge
explosion, naging lalong mahalaga ang pagbabasa sa sangkatauhan.
Proseso Ng Pagbasa
Ang pagbasa ay isang proseso ng
pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita.
1. Persepsyon - hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.
1. Persepsyon - hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.
-
Ito ay pagkilala at pagtukoy sa
mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog.
2. Komprehensyon - Pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa.
-
Ito ay pag-unawa sa mga
nakalimbag na simbolo o salita.
3. Reaksyon - hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
-
Ito ay kaalaman sa pagpasiya o
paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa teksto.
4. Asimilasyon - isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa
mga dati nang kaalaman o karanasan.
-
Integrasyon – Ito ay
kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at
mga bagong karanasan sa tunay na buhay.
Isang komplikado o masalimuot na proseso
ang pagbasa sapagkat maraming kasanayan ang nililinang at kailangang malinang
dito upang magiging epektibo ang pagbabasa. Isa kang mahusay at epektibong
mambabasa kung natutukoy mo ang layunin ng iyong binabasa, nagagamit ang mga
estratehiya at teknik sa pagbasa, nakabubuo ng hinuha o hula sa susunod na
pangyayari at iniuugnay ang dating kaalaman at karanasan upang maunawaan ang
kahulugan ng binabasang teksto.
Layunin
ng Pagbasa
1. Magkaroon ng kalinawan ang pag-iisip
tungkol sa mga bagay na di malinaw sa kaalaman
2. Magkaroon ng kapayapaan sa buhay dahil
sa kaalaman sa iba’t ibang larangan
3. Magkaroon ng pagbabago sa paniniwala o
kaugalian
4. Magkaroon ng bukas na isipan
Dalawang
Pangunahing Layunin sa Mapanaliksik na Pagbasa
1. Makapangalap ng mahalagang
impormasyon at mapataas pa ang antas ng pag-unawa
• Nagagawa ito sa pang-araw-araw na
pagtunghay sa mga dyaryo, magasin, folyeto at iba pa
• Magagaan lamang ang mga itong intindihin
• Hindi gaanong pinag-iisipan sapagkat
nakakapantay lamang ng ordinaryong pang- unawa
• Isang paraan ng pagpapalipas-oras kaya’y
paglilibang
• Ito ay kasanayang pangmemorya lamang ng
mga kaalaman
2. Magpalawak at magpalalim ng
pang-unawa
• Karaniwang hindi kinasisiyahan dahil
mabigat intindihin ang mga materyal na kinakailangang basahin
• Mataas ang antas ng nilalaman nito sa
kakayahang umunawa ng bumabasa
• Ito ay kasanayang pampagkatuto sapagkat
hinahamon nito ang bumabasa na mag-isip para tuklasin ang mga nakapaloob ditong
mga konsepto o mensahe
• Ginagamit dito ang malarong imahinasyon,
matalas na pagmamasid, matalinong panunuri, at masigasig na pagmumuni.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento